<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d25388941\x26blogName\x3dThrough+Foreign+Eyes\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://wildthoughtsfaq.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttps://wildthoughtsfaq.blogspot.com/\x26vt\x3d-9059364863595816560', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>
MWave 468x60

Lakaw is a journey is a step is a move. I love to travel around the world and this is my travel and travel gadget site. Welcome and Enjoy!

0 comments | Tuesday, February 05, 2008

Para sa mga tanong nyo...eto na ang ilang kasagutan...

Ang aking kaibigan ay mayroon lang mga ilang katanungan na matagal nang bumabagabag sa kanyang araw-araw na pamumuhay. Maaaring ang iba rito ay alam na rin ito ngunit walang makapagbigay ng akmang kasagutan o pagpapaliwanag. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ang squidballs ba ay bayag ng pusit?
Ang squidballs ay hindi bayag ng pusit ngunit bayag ni Tiya Pusit.

2. Pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break?
Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. Kopimeyt dapat at huwag gatas. (milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. sounds good to me!)

3. Pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na?
Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag gabi kung ang iyong pakikinggan ay f.m.

4. Ang fire exit ba ay labasan ng apoy?
Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila'y makatakas o ang tinatawag na "fire escape".

5. Ang uod ba pag namatay ay inuuod din?
Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalaguatan ng hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.

6. Totoo bang ang mga manok na pinatay sa Jollibee ay masasaya kaya sila tinawag na chicken joy?
Ang mga manok na pinatay sa Jollibee ay masaya kung kaya't sila'y tinawag na chicken joy. Ngunit hindi kinakailangang sa jolibee patayin ang manok upang maging ito ay maging masaya...ang mga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may kasama sa buhay. Kapag ito ay nag-iisa lamang, ito ay hindi chicken joy kundi...mcchicken singles. (Ang pinakamasayang manok sa lahat ay iyong 6 pc. chicken mcnuggets o tinatawag na "orgy" sa inggles)

7. Mayroon bang kahit isang langgam na mahilig sa maalat?
Alam na ba ninyo iyong patawa na "itlog maalat"? Nakagat ako minsan ng langgam.......

8. Kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day , 7 days a week , at 365 days a year. Bakit may lock pa ang pinto nila? Bakit? Bakit?
Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break (tingnan ang katanungan bilang 2 hinggil sa maaaring inumin kapag coffe break) din naman ang mga nagtatrabaho sa 7-11. Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.

9. Bakit di mataas ang highway?

Dahil kung mataas ang highway, walang paglalagyan ng skyway.

10. Ba't alang lumilipad na sasakyan sa flyover?
Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat hindi tayo tumutingala kapag tayo ay nasa flyover. Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika ay "fly"-lipad, "over"-sa ibabaw. Ibig sabihin nito na ang mga kotse ay hindi lumilipad sa flyover ngunit sa ibabaw ng flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay nasa flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong sasakyan. Alam kong wala sa inyong mayroong sasakyan na Miata, Boxster, Kompressor, Z3, Z8 at kung ano-ano pang kotseng pangmayaman kaya't huwag na kayong magpumilit mamilosopo...ako lang ang may karapatan. Kung idadahilan niyo naman na mayroon kayong sunroof, hanapin ninyo ang inyong tinatawag na "sense of humor". Namamatay ng maaga ang palaging seryoso.

Sana ay nasagot ko ang iyong mga tanong at kung mayroon pang ibang bagay na bumabagabag sa iyong isipan huwag kang mag-alinlangang magpadala sa akin ng e-mail.

At lagi rin natin sana tandaan ang dayuhang salawikain na "ask a dumb question and you'll get a dumb answer."

Maraming salamat!

0 Comments:

<< Home

More Interesting Stories

Related Posts with Thumbnails